TV

Gabriel embraces his power in 'Agimat ng Agila'

By Bianca Geli

Sa nakaraang kabanata ng Agimat ng Agila, matapos ang pagluluksa ni Major Gabriel Labrador (Bong Revilla) sa pagkamatay ng kanyang asawa at anak, mararamdaman niya ang pagbabagong anyo na siya na palang hudyat ng kanyang pagiging tagapagligtas ng kalikasan.

Madidiskubre niya ang mga kakaiba niyang kapangyarihan tulad ng kakaibang lakas at katangian na tila hango sa isang agila.

Sa kanyang pagtanggap sa mga pagbabago, at pagpapatuloy sa pagprotekta sa kalikasan, magsusulputan naman ang mga kampon ng kadiliman na balak siyang patumbahin at sakupin ang mga kagubatan.

Panoorin ang nakaraang mga eksena ng Agimat ng Agila.