TV

Rabiya Mateo, naghahanda na para sa 'Agimat ng Agila: Book 2'

By Bianca Geli

Matapos ang kaniyang first acting stint sa Kapuso Mo, Jessica Soho, pinaghahandaan naman ngayon ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang kanyang role sa Agimat ng Agila: Book 2.

Magsisilbing TV series debut ni Rabiya Mateo ang upcoming Agimat ng Agila: Book 2.

Ayon kay Rabiya, pinaghahandaan na niya ang karakter niyang mapapasabak din sa action scenes.

"Nagpapasalamat talaga ako kasi malaki 'yung tiwala na binigay sa akin ng team, ng GMA para ibigay sa akin 'yung role na ito sa akin," kwento ni Rabiya sa isang online press interview.

"Actually I've been training and nag-dyi-gym ako every day para paghandaan talaga 'yung role."

Nakasama na rin ni Rabiya sina Sen. Bong Revilla Jr., Sanya Lopez at iba pang cast sa naganap na story conference ng naturang serye.

"Nilatag na nila 'yung kuwento, full of twists and turns, na-excite din ako makatrabaho 'yung mga beterano na sa field na ito kasi marami po talaga akong matututunan.

"Na-e-excite na rin ang cast dahil lalo pang pinaganda ang programa."

Handa na ring sumabak sa Book 2 ang ilang cast ng Agimat ng Agila. Kuwento ni Sen. Bong na gumanap bilang Gabriel Labrador, "Hindi ako tumigil sa pag-wo-work out so siguro medyo lumiit 'yung katawan ko ngayon. Pinaghandaan ko talaga 'yung mga action scenes ng mas matinding stunts."

Ayon naman kay Sanya Lopez na gumanap sa unang season bilang Maya Lagman, "Nakaka-excite itong Book 2. Naramdaman natin 'yung aksyon noong season one, mas mararamdaman natin ang aksyon dito sa Book 2."

Take a look at Rabiya Mateo's photos in this gallery: