TV

Rocco Nacino on his relationship with Lovi Poe: 'More than friends, but not crossing the line.'


Hindi nakaligtas ang Kapuso leading man na si Rocco Nacino sa mga tanong ng press tungkol sa pagiging malapit nila ng kanyang Akin Pa Rin Ang Bukas leading lady na si Lovi Poe. Sa press conference ng naturang Telebabad series last August 29, sinagot ni Rocco ang mga isyu tungkol sa kanyang special friendship with the Primera Aktresa.

"No, I have no time for that. Walang oras para diyan. And even if I want to, I can't dahil babad ako sa trabaho masyado," says Rocco when asked kung nanliligaw ba siya kay Lovi.

Dagdag pa niya, "Di ko nga naiisip yun eh. Di ko naiisip dahil masaya siyang kasama, dahil masaya kami kung nasaan kami ngayon."

Pero kung hindi siya ganito ka-busy, liligawan ba niya? "Who wouldn't?" was his short reply.

Naikuwento rin ni Rocco that they have met each other's families. "Matagal na. 'Yung sister niya, nakakasama ko. 'Yung mom niya, na-meet ko na rin. Nasama ko na rin siya one time sa isang family gathering namin, kasama namin 'yung kaibigan niya. And she had fun."

Nilinaw din niya ang kumakalat na isyu na nagkaroon sila ng tension ni Jake Cuenca dahil kay Lovi. "No, wala. Nagkita, but nothing happened. Walang awkwardness na nangyari. At wala rin ako nung time na kung ano man 'yun before. Basta when me and Lovi hung out together, I was single, she was single."

With their level of closeness, masasabi kaya ni Rocco na 'more than friends na sila'? "More than friends but siguro not crossing the line. Kasi, like I said, siya pa lang, sobrang busy na niya. I'm super busy, too, kaya walang oras talaga para diyan. But it's nice that there's someone na you get to hang out with and talk to most of the time."

Nakatulong naman ang kanilang pagiging close, lalo na ngayon sa proyektong kanilang pagsasamahan. "With every project, talagang makikita 'yung difference kung paano kami nagiging close sa isa't isa. Mas nagiging at ease kami sa isa't isa, mas madaling magtrabaho kapag alam ko kung gamay ko na siya. Alam ko when she is on her good side, on her bad side. That's one thing na, kumbaga, I'm proud of. Gamay na gamay ko na si Lovi."

Does it mean na open na sila for more intimate scenes? "Trabaho naman 'to, so I'm game for anything. Siyempre, kailangan din makuha 'yung side ni Lovi kung willing siya, and the managers, pero ako pagdating sa mga ganyan, trabaho naman. Kaya 'yan."

Abangan si Rocco Nacino bilang Jerry sa Akin Pa Rin Ang Bukas, ngayong September 9 na, pagkatapos ng Anna KareNina sa GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com