TV

Gloria Romero on 'Akin Pa rin ang Bukas': 'I'm so happy na kasama ako sa cast.'


Philippine’s Queen of Movies, Ms. Gloria Romero will celebrate her 80 years in show business this December. Hindi matatawaran ang mga kalidad ng mga ginawa niyang mga pelikula at shows. Ang winning performances niya sa Tanging Yaman as FAMAS Best Actress 2001, Nagbabagang Luha as FAMAS Best Supporting Actress 1989 at 1955’s Dalagang Ilocana ang nagpapatunay na katangi-tangi ang kanyang galing sa pag-arte. Siya rin ang kauna-unahang pinarangalan ng Lifetime Achievement Award ng MTRCB (Movies and Television Review and Classification Board).

Last August 29, 2013 at the press conference of Akin Pa Rin ang Bukas, GMANetwork.com sat with the Kapuso veteran actress for this exclusive interview.

“I’m so happy na kasama ako sa cast. Ang role ko as usual, mayaman. Anak ko si Cesar Montano and ako ang first wife. Siya [Liza Lorena], second wife,” ang kuwento ni Ms. Gloria Romero about her role in Akin Pa Rin ang Bukas.

Dagdag pa niya, “First time ko makakasama ulit si Direk Laurice [Guillen] after thirteen years ng Tanging Yaman. I’m so thrilled about it. I love the story, very interesting.”

Bibigyang buhay ni Ms. Gloria Romero ang role ni Cristina Alperos, ina ni Conrad Alperos (Cesar Montano). Napag-alaman namin na nagkaroon ng palitan ng roles. Ito ay dahil ang isa sa kasama sa original cast na si Ms. Helen Gamboa ay nagkasakit at pinayuhan na magpahinga muna para sa kanyang agarang paggaling.

“Dati, si Helen Gamboa [ang para sa role na ito], nagback-out [siya] because she got sick. Sabi ng doctors for her, to rest, I think she’s asthmatic,” malungkot na pahayag ng Kapuso actress.

Sa kabilang banda, “Ganun talaga ang mga artista, ‘di mo malaman kung saan ka ilalagay,” ang paliwanag niya tungkol sa pabago-bagong takbo ng showbiz.

Tinanong din namin ang Kapuso veteran actress kung ano ang masasabi niya sa mga artista ngayon at kung may ipinagbago ba ang kalakaran sa showbiz through the years.

“Ako’y hanga sa kanila kasi they can do so many things at the same time. Some go to school, meron silang commercial, meron silang workshop, meron silang mga pictorial, ang dami nilang ginagawa,” buong paghanga niyang kuwento sa mga Kapuso artists na kayang pagsabayin ang lahat ng ito para lang sa kanilang passion in acting.

“Nu’ng araw, wala naman kaming ganito. Hindi pa uso ang TV nu’n, radyo lang. So, di kami masyadong lagare,” she recalls.

Kuwento pa niya, “We have our own studio. May nag-aalaga sa amin. So, sila ang gumagawa ng schedules namin. We don’t have to think what to do. SIla ang nagsasabi ng gagawin namin.”

Pansin niya rin na, “Pagdating sa set, they know their lines. Hindi sila cause of delay. They’re wonderful, very respectful. Minsan, inaakay pa ako dahil matanda na ako baka mahulog ako sa hagdan”.

Bago pa magtapos ang aming interview, tinanong namin ang Kapuso veteran actress kung may mapapayo ba siya sa mga Kapuso young stars in terms of acting, “Just love what you’re doing, may kasabihan if you love what you’re doing, mahal ka rin ng trabaho mo. That’s the only thing I can say, love your work.”

Abangan si Ms.Gloria Romero sa Akin Pa Rin ang Bukas na magsisimula na ngayong Lunes, September 9, 2013, only on GMA. For more updates on your favorite Kapuso stars and shows, keep on visiting www.gmanetwork.com. -- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.