TV

Saan hahantong ang panloloko ni Jerry at Agatha?



Hindi sang-ayon si Lovelia ng malamang kinuha ni Roel si Agatha bilang personal assistant. Masama ang kutob niya kay Agatha lalo pa at may nakaraan silang hindi maganda. Naalala ni Lovelia kung paano siya maliitin at apihin nuon ni Agatha kaya ganun na lang ang pagkamuhi niya rito. Ito na ang pagkakataon na makaganti si Lovelia kay Agatha ngunit laking gulat ni Lovelia na imbes na makipag-away si Agatha ay taliwas ang nangyari. Napakabait nito sa kanya. Nagawa pa nga siyang ipagtanggol sa mga empleyado na naninira sa kanya. Lumambot ang puso ni Lovelia at naging magkaibigan sila. Walang kaalam-alam si Lovelia na pakana lang ni Agatha ang lahat. Nais nitong makuha ang loob ni Lovelia para madali niya manipulahin ang dalaga.

Nalaman ni Jerry ang ginawang hakbang ni Agatha kaya hindi rin siya papatalo sa kanyang girlfriend. Nagpropose siya ng business partnership kay Lovelia upang mahuthutan ng pera ang dalaga. Nakuha niyang gamitin ang pangalan ng iba para sa kanyang pagpapanggap na may-ari ng isang travel agency. Madaling nakuha ni Jerry ang tiwala ni Lovelia kaya madali niya ring napapayag ito para sa isang business proposal.

Isang mabuting kaibigan at matinik na abogado si Conrad, malaki rin ang pagpapahalaga niya kay Lovelia kaya ng malaman na may isang Jerry na nais siyang lokohin, naging protective ito kay Lovelia. Binalaan niya ang dalaga na mag-ingat lalo na at may masama siyang kutob sa pagkatao ni Jerry. Papaimbestigahan niya ito ng di nalalaman ni Lovelia.

Sa araw ng pagpirma ng kontrata para sa business partnership nina Lovelia at Jerry, biglang nagbago ang ihip ng hangin ng 'di itinuloy ni Jerry ang kontrata. Tumanggi rin siya sa perang pambayad ni Lovelia. Nakita ito ni Agatha at sinundan siya. Nagtalo silang dalawa dahil wala sa usapan nila ang magbaback-out si Jerry. Tinanong ni Agatha si Jerry kung unti-unti na bang nahuhulog ang loob niya kay Lovelia. Nag-deny si Jerry ang paratang ni Agatha bagkus sinabi niyang nag-iisip lang siya ng bagong balak para mas malaki pa ang makuha nilang pera kay Lovelia. Nahuli sila ni Lovelia na nagtatalo at tinanong kung kung anong nangyayari sa kanila. Sinabi ni Agatha na kapakanan lang ni Lovelia ang iniisip niya kaya pinagalitan niya si Jerry sa ginawa nito kanina. Napaniwala naman kaagad si Lovelia sa inakala niyang concern ni Agatha sa kanya.

Nang malaman ni Lovelia ang ginawang pag-iimbestiga ni Conrad kay Jerry, pinuntahan niya ito at pinagalitan sa pangingialam sa kanya. Nag-alala si Conrad kaya niya iyon nagawa ngunit iba ang naging dating kay Lovelia. Sa ginawa ni Conrad, pakiramdam ni Lovelia na wala itong tiwala sa kanyang kakayahan. Sinabihan niya itong huwag siyang pakialaman.

Samantala, totoo nga ang naging hinala ni Agatha sa nararamdaman ni Jerry kay Lovelia. Ayaw nang ipagpatuloy ni Jerry ang panloloko nila kay Lovelia. Umuusok sa galit si Agatha dahil sinira ni Jerry ang kanilang mga plano pati na rin ang mga pangarap niya. Nakipag-break siya kay Jerry.

Inimbitahan ni Lovelia si Jerry sa isang fashion week. Sa araw ng fashion week, magkasabay na dumating si Agatha at Roel. Nakita ni Jerry na nakaakbay si Agatha kay Roel. Nakaramdam siya kaagad ng selos. Nakita rin ni Agatha si Jerry na nandun. Nagkatinginan ang dating magkasintahan. Nanlaki ang mga mata ni Agatha ng biglang i-announce ni Jerry sa harap nina Roel, Lovelia at Beatrice na may nais siyang ipagtapat sa kanila. Aaminin na kaya ni Jerry sa mga Villacorta ang naging plano nila ni Agatha? Mapapahamak nga ba si Agatha sa gagawing pagtatapat ni Jerry?

Huwag papahuli sa mga kaganapan sa 'Akin Pa Rin ang Bukas' pagkatapos ng 'Kahit Nasaan Ka Man', only on GMA Telebabad. Para sa mga updates ng paborito niyong shows at mga artista, bumisita lagi sa www.gmanetwork.com. -- Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com.