TV

Lovi Poe uncomfortable with guys? 'Si Rocco kahit komportable na ako sa kanya, shy pa rin ako'


Ikatlong beses nang katambal ng premier actress na si Lovi Poe ang kanyang leading man ngayon na si Kapuso actor Rocco Nacino. Nakapanayam ng GMANetwork.com si Lovi para kumustahin kung gaano kahalaga sa kanya ang relationship nila ng kanyang leading man sa Akin Pa Rin ang Bukas.

“Makulit, funny, life of the set,” ang pagpapakilala sa amin ng Kapuso actress kay Rocco.

Masaya si Lovi na makatrabaho muli si Rocco. At gusto niyang makatrabaho itong muli sa hinaharap.

“I always like to work with him. Now that we are paired, I am enjoying it. Komportable na kami sa isa’t isa. We’re always making the most of it,” she shares.

Dahil sa professionalism na ipinapakita ng Kapuso actor, lalo pang nag-jibe sila ni Lovi dahil pareho sila ng attitude towards their work. “He’s very focused and so am I. Nagdya-jibe kami.”

Sa lahat ng oras, laging nasa tabi ni Lovi ang Kapuso actor. Nagpapasalamat ang premier actress sa kanyang leading man na sumusuporta sa kanya.

“I’m very thankful he’s always beside me, kahit ano na’ng nangyari sa akin,” she says.

Oozing with sexiness and confidence si Lovi on screen kaya’t nakakagulat marahil kung sasabihin niyang likas siyang mahiyain.

Inamin ito ni Lovi sa GMANetwork.com.

“I get shy kapag may ka-eksena ako na lalaki. Si Rocco [Nacino] kahit komportable na ako sa kanya, shy pa rin ako. I can never be comfortable with a guy, kaya lagi ako nagbabasa ng libro para kiligin ako, na ito ang dapat kong gawin. Sa book kasi, mas detalyado.”

Paano niya na-overcome ang kanyang pagiging mahiyain?

“I just have no choice. Shy talaga ako. I have a hard time looking sa mata ng lalaki, kahit hawakan ang kamay ko. Before sa mga movies ko na very flirty, laging naibibigay sa akin ganoon. I’ll drink a little bit of wine para lang lumakas ang loob ko.”

Kapag hindi umaarte, nagmu-Muay Thai ang Kapuso actress.

Mas gusto niya rin na nasa bahay lang at kasama ang mga kaibigan niya na nanonood ng movies.

Inamin din ni Lovi na pinangarap niyang maging psychiatrist kung hindi siya artista ngayon.

“The truth is kapag hindi ako nag-artista, I’d like to be a psychiatrist. Iyon iyong gusto kong mangyari before.”

Sabi pa niya, “I’m interested sa mga personalities ng mga tao, nagbabasa ako ng personalities ng mga  tao, I use it din sa acting.”

Bukod pa sa pagbabasa ng mga iba’t ibang ugali ng mga tao, mahilig din magbasa ng Dan Brown novels ang premier actress. At ang paborito niyang author ay si Judith McNaught dahil sa nakaka-touch nitong love stories.

“Dan Brown novels, iyong mga suspense thrillers, but Judith McNaught is my favorite author. Love stories iyong mga sinusulat niya, very nice, very touching. Ang weakness ko when it comes to scenes ay love. I can easily cry when it’s about family,” ang sagot ni Lovi nang tanungin kung anong libro ang gusto niyang binabasa.

Malapit nang magkaroon ng panibagong movie ang premier actress na dapat abangan ng loyal fans niya.

“They’re fixing iyong movie namin, I’m not allowed to say kung sino ang kasama ko. You will be surprised,” she reveals.

Catch Lovi Poe as Lovelia Villacorta in Akin Pa Rin ang Bukas after Kahit Nasaan Ka  Man, only on GMA Telebabad. For more updates of Lovi and your favorite Kapuso shows and stars, just keep on visiting www.gmanetwork.com. -- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com