TV

'I think you have to fight for what's rightfully yours' - Lovi Poe


Isang mas matapang at handang makipaglaban na Lovelia Villacorta na ang mapapanood sa primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas. Pagkatapos niyang makaligtas sa aksidenteng dapat sana ay kikitil sa buhay niya, bumabalik si Lovelia ngayon sa buhay nina Agatha at Jerry para singilin sila sa kanilang mga kasalanan.

Sa totoong buhay kaya ay ito rin ang gagawin ni Lovi Poe sa mga nanakit sa kanya?

"Yes, I think so, lalaban ako. I think you have to fight for what's rightfully yours. It doesn't mean naman na maghihiganti ka na puro masama 'yung mga gagawin mo. It's just that you have to take back what is yours," was Lovi's straightforward reply during our interview on the set of Akin Pa Rin Ang Bukas last November 27.

Mixed emotions daw si Lovi sa pagbabago ng kanyang character, especially since magkalayo ang personalities ng old and new Lovelia. "Bago na ang aking look, iba na ang outfits ko, the fashion style is very different, pati ugali, and 'yung atake ko sa role ko is very different from before. Nahihirapan ako kasi nag-shift ako agad from the old Lovelia to the new Lovelia. Nangangapa pa rin ako ngayon. Hopefully, magawa ko siya ng tama. Siyempre inaantay 'yun ng mga tao na lumaban si Lovelia, and I'm so excited na ma-share ito sa lahat."

When asked kung ano ang maipapayo niya kay Lovelia sa pinagdadaanan nito, this is what the Premier Actress had to say."Mahirap kasi she has to know the line between hurting someone and getting back what she needs to have. Mahirap kasi 'yun, lalo na si Jerry since mahal niya 'yun. Hindi mo alam kung hanggang saan niya gagawin 'yung pananakit niya emotionally kay Jerry."

Catch Lovi Poe as Lovelia in Akin Pa Rin Ang Bukas, weeknights after Genesis, and in Sunday All Stars, Sundays after Kapuso Movie Festival. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com