
Ongoing ang taping ng Akusada stars para sa naturang suspense drama na malapit nang ipalabas sa GMA Afternoon Prime.
Sa Chika Minute sa 24 Oras, ibinahagi ng lead actress na si Andrea Torres na sobrang excited siya sa pagbabalik sa afternoon prime at sa istorya ng kaniyang bagong proyekto.
Ayon pa sa kaniya, looking forward siya sa mga gagawin niya para mas maisabuhay niya ang kaniyang karakter, gaya na lamang ng underwater scenes.
Pahayag niya, “Adventurous akong tao, learning experience siya. Gusto ko 'yung ganyan 'yung nababasa ako, napapawisan ako, tumatakbo ako, type na type ko 'yung mga ganyan.”
Samantala, mapapanood ang Kapuso actress sa bagong serye bilang isang tahong farmer. Kasama niya rito sina Benjamin Alves, Lianne Valentin, Marco Masa, Ashley Sarmiento, at marami pang iba.
Matatandaang bago sumalang sa kanilang unang taping, sumabak ang ilang cast members ng upcoming series sa isang acting workshop na pinangunahan ni Ana Feleo.
Huwag palampasin ang pagsisimula ng Akusada, ngayong 2025 na, sa GMA Afternoon Prime.
RELATED CONTENT: Cast ng Akusada, nagkita-kita sa story conference