TV

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, handa na para sa 'All-Out Sundays Summerversary'

By Bianca Geli

Handang handa na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz para sa nalalapit na All-Out Sundays Summerversary, ang month-long special ng All-Out Sundays ngayong Marso.

Kuwento ni Julie, "Since we're celebrating our anniversary, magkakaroon kami ng four special episodes. It's a 'summerversary' so meaning, magkakaroon kami ng iba't ibang klaseng gimmicks."

Dagdag naman ni Rayver, "Meron tayong All-Out Sundays Summerversary Showdown."

Ayon kay Julie, mahahati sa apat na grupo ang All-Out Sundays cast na pinangunahan ng mga top tandems bilang mga lider ng grupo. Ang “Team Sun” na pinangungunahan nina Julie Anne at Rayver, Sanya Lopez at Derrick Monasterio sa “Team Sea”, Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega sa “Team Sand”, at Rita Daniela at Ken Chan para sa “Team Wind”.

Kabilang sina Julie at Rayver sa Team Sun kung saan ang magiging leader sa isang grupo. "Magkakaroon kami ng iba't ibang teams. Dalawa kami ni Ray na team leaders sa isa sa mga episode na 'yun."

Saad ni Rayver, "Exciting, kasi kami lahat magiisip ng gagawin sa prod, parang showdown talaga siya."

Hindi papatalo si Julie sa pagiging handa at sa kahit anong kompetisyon, aniya, "Medyo competitive talaga kami, we're very excited. Lahat ng ideas pinag-compile namin, and siyempre sariling sikap. Para kaming gumagawa ng isang school project or presentation.

"Meron din kaming P-pop festival bilang home tayo ng mga P-pop, siyempre mawawala ba ang SB19 diyan? Siyempre nandoon sila. Meron ding Kalyelimpics," saad ni Rayver.

"Magkakaroon ng mga street games, at OPM bagsakan, lahat ng mga favorite hits ng mga Pinoy.

"Lahat ng gagawin namin, bago."

Inaasahan din ni Julie na magiging kapanapanabik din ang pasabog ng ibang grupo. "Gusto rin naming makita 'yung performances ng ibang grupo."

RELATED CONTENT: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz's glamorous couple style