
Nito lamang June 30, napanood sa All-Out Sundays ang seasoned actresses na sina Jackie Lou Blanco at Jean Garcia.
Sa pagbisita nina Jackie at Jean sa weekend variety show, isang pasabog na dance number ang kanilang inihandog sa mga manonood at sa kanilang fans.
Labis na nag-enjoy ang dalawa sa kanilang performance at ibinahagi nila ang saya na kanilang naramdaman sa social media.
Ayon sa latest post ni Jackie sa Instagram, “Enjoyed my dance number with chic2garcia [Jean Garcia] at alloutsundays7 today.”
“Parang GMA Supershow days lang,” dagdag pa niya.
Pahabol ni Jackie sa kanyang caption, “Magsisimula na ang paghahanap sa killer sa Widows' War.”
Sa Instagram post naman ni Jean, ipinakilala niya ang kanyang karakter sa bago niyang proyekto.
Sulat niya sa caption, “Aurora Palacios.”
Sina Jackie at Jean ay kabilang sa star-studded cast ng murder mystery drama series na Widows' War.
Related gallery: Bea Alonzo and Carla Abellana are brides in black at the pictorial of
'Widows' War'
Bukod sa kanila, bumisita rin sa All-Out Sundays ang ilan sa kanilang co-stars sa serye.
Tulad na lamang ng bigating lead actresses nito na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Abangan ang world premiere ng Widows' War, ngayong July 1 na, 8:50 p.m. sa GMA Prime.