TV

Ken Chan, Rita Daniela, Rayver Cruz, at Boobay, excited na magbalik telebsiyon para sa 'All-Out Sundays'

By Bianca Geli

Balik-telebisyon na ang All-Out Sundays simula ngayong Linggo, July 12.

Sa isang online press interview, ibinahagi ng ilan sa cast ang kanilang excitement sa pagbabalik live TV airing.

Tila mag-pa-pilot airing muli ang pakiramdam nina Ken Chan, Rita Daniela, Rayver Cruz, at Boobay sa nalalapit nilang pagbabalik telebisyon.

Kuwento ni Ken, "Para kaming magpa-pilot ulit. It's been four months na puro online shows kami. Ngayon para kaming magpa-pilot ulit. Ramdam ko ulit 'yung kaba at excitement. Pero sobrang happy na happy."

Para naman kay Rita, masaya siyang mas marami nANg makakapanood ng All-Out Sundays. "Sobrang nakaka-miss 'yung pressure, ang sarap din nung pakiramdam ng pressure at adrenaline rush. And mas malaki talaga 'yung mari-reach ng All-Out Sundays kasi nasa
TV na ulit. Sa panahon ngayon hindi naman lahat kayang makapag-internet.

Masaya rin si Boobay na mas maraming Kapuso ang makakapanood ng kanilang programa. "Para sa'kin, it's a call for celebration kasi mas malaki na talaga 'yung reach natin lalo na sa mga nasa probinsya. Isang privilege na makapag-ere na ulit kami sa telebisyon."

Dagdag ni Rayver Cruz, "Marami kaming hinanda, naghalo kami ng kulitan games na combination pa rin ng kantahan at sayawan. Super excited na babalik na kami on air. Looking forward din kaming sa ginagawa naming kulitan. Excited na kaming mapanood na kami ng mga Kapuso. Masaya talaga yung hinanda namin."

Aniya, naging mas independent sila sa All-Out Sundays dahil sa kaniya-kaniya nilang effort na mapaganda ang online performances.

"Ang maganda kasi kaniya-kaniya kami ng diskarte. Pinagkakasya ko 'yung sarili ko sa green screen. Si Rodjun laging ready tumulong sa akin. Gagawin namin yung production number tapos ipapasa namin sa All-Out Sundays staff and sila na mag-aayos," saad ni Rayver.

Pinatotohanan naman ito ni Ken, "Lahat kami nag-improvise ngayon, may kaniya-kaniya kaming ilaw at equipment para kapag pinalabas sa TV mas magandang tingnan. Na-test na rin 'yung creativity namin dito."

Nagpapasalamat din si Rayver na patuloy pa rin ang pagtakbo ng kanilang programa at paghahatid saya sa mga manonood.

"Thankful din kami na may All-Out Sundays kasi kahit ganitong new normal nagagawa pa rin namin 'yung mga hilig namin at 'yung alam mong may napapasaya ka pa rin."

Panoorin ang All-Out Sundays sa pagbabalik telebisyon nito simula July 12, 12:45 ng tanghali. Maari pa rin itong panoorin via online livestream sa official GMA Network YouTube, Facebook, at Twitter at sa All-Out Sundays Facebook page.

RELATED CONTENT:

'Bubble Gang' boys nagbukingan sa 'All-Out Sundays'