TV

Ruru Madrid at Kyline Alcantara, masaya sa pagbabalik studio ng 'All-Out Sundays'

By Aaron Brennt Eusebio

Excited na sina Ruru Madrid at Kyline Alcantara sa pagbabalik studio ng Sunday variety show na All-Out Sundays.

Inamin ni Ruru nang makausap siya si Cata Tibayan sa 24 Oras na masaya siya dahil muli n'yang makikita at makakasama ang kanyang co-performers kahit hindi sila pwede lumapit sa isa't isa.

Aniya, “Masaya rin kahit papaano na magkikita-kita po kaming lahat kahit na sabihin natin na bawal beso, bawal shakehands ganyan, pero at least nagkikita-kita kami at alam namin na safe ang isa't isang.”

Aminado naman si Kyline na nakakaramdam siya ng takot pero mas nangingibabaw ang kanyang excitement na makapag-perform ulit.

Saad niya, “Mas less 'yung takot and mas more of excited kasi nga alam ko naman na aalagaan talaga kami ng GMA at 'yung nga, ipa-follow talaga ng GMA lahat ng rules and regulations.”

“Nung nag-quarantine, parang may mga nawala, hindi buo 'yung pagkatao ko kasi feeling ko, nabubuo 'yung pagkatao ko pag nagpe-perform ako.”

Iba't ibang bagay naman ang pinagkaabalahan nina Gabbi Garcia at Mark Bautista habang naka-quarantine.

Si Gabbi ay naging busy sa pagba-vlog kasama ang kanyang boyfriend na si Khalil Ramos.

Ayon kay Gabbi, gusto niyang maka-collaborate sina Mimiyuuuh, Erwan Heussaff, at ang mag-asawang vlogger na sina Slater Young at Kryz Uy.

Pag-amin niya, “Super fan ako ni Mimiyuuuh, sobra, aliw na aliw ako kay Mimiyuuuh. As in bet ko siya lahat, pasok na pasok sa akin 'yung jokes niya.

“And sobrang crush ko rin si Erwan Heussaff.”

Bukod sa pagwo-workout at pagpipinta, natutunan rin ni Mark na gumawa ng scented candles.

Kuwento niya, “Kumota na ako sa time for myself, e. Ito, ang nahilig ko naman candle making, gusto mo 'yon?”

“Gumawa ako ng sarili kong kandila na scented.”

Mapapanood na ang pagbabalik studio ng All-Out Sundays bukas, September 27, 12 ng tanghali.