TV

'All-Out Sundays' cast, ibinahagi ang kanilang balik studio taping experience

By Bianca Geli

Ngayong balik studio na ang All-Out Sundays, nagkasama-sama na muli ang ilan sa All-Out Sundays barkada.

Kumusta naman kaya ang kanilang pagbabalik taping?

Sa isang press interview, ibinahagi ng ilan sa cast ang kanilang studio reunion. Kuwento ni Mark Bautista, " Happy ako personally kasi matagal tagal din kaming nasa bahay lang and magkikita ulit AyOS barkada, makakakanta at sayaw na ulit kami sa stage."

Kasama ng pagiging excited ang pagiging kabado rin ng cast dahil sa banta ng COVID-19. Sabi nga ni Gabbi Garcia: "Ako despite being excited and happy nandoon din 'yung feeling na lahat tayo high-risk. Thankfully ang GMA they follow the safety protocols."

Para naman kay Ruru Madrid, masaya ang pagbabalik studio dahil hindi rin naging madali ang pag-pe-perform sa kanilang mga sariling bahay. "Nakakatuwa kasi to be honest mahirap din po 'yung work fom home."

Looking forward din si Kyline Alcantara sa pagbabalik taping lalo na't ilang buwan din itong nasa bahay lang.

"We're very lucky talents, nung nabalitaan ko more on excited kasi alam kong aalagaan naman kami. Hindi ko inexpect na makakasama ako kasi ang last na nabalitaan ko mga 21 and above lang.

"Feeling ko nung nag-quarantine may nawala. Feeling ko nabubuo 'yung pagkatao ko kapag nag-pe-perform ako. Iniyakan ko talaga 'yung handler ko."

Sa naganap na studio taping ay maraming naging pagbabago para masunod ang mga nakatakdang safety protocols para malabanan ang pagkalat ng COVID-19.

"Hindi ko sila mayakap," bahagi ni Kyline.

Si Gabbi naman, naramdaman ang pagbabago dahil sa social distancing measures na kailangan sundin kahit nasa stage.

"Ako na-miss ko 'yung grouping sa stage, 'yung sama-sama kayo, sabay-sabay kayong magsasayaw tapos may partnering bukod sa bonding off-cam siguro on-cam 'yun 'yung nakaka-miss.

"Tulad ngayon, 'yung hosting namin nina Kuya Paolo naka-ilang sabi sa 'min 'yung floor director na maghiwalay kasi lagi kaming nagdidikit. So 'yun nakakapanibago rin."

Pati ang pagsusuot ng face masks at face shields, kailangan sundin ng mga artists sa taping.

Ayon kay Mark, "Nakakamiss yung hindi ka paranoid nagwowork hindi mo iisipin yung mask or face shield ngayon hawak ko yung sariling kong mic marami ka nang iniisip na hindi mo dati ginagawa."

Dagdag ni Gabbi, "We're required to eat in our own rooms, bawal na 'yung gathering sa pantry."

Gayunpaman, naging malaking tulong sa mga artists ang suporta ng mga AyOS fans na patuloy na naghihintay sa kanilang pagbabalik.

Ayon kay Kyline, "I'm excited, very happy kasi nakaka-miss magpasaya ng mga Kapuso natin. Excited akong makita nila 'yung all-out performances."

Para naman kay Gabbi, malaki ang pasasalamat n'ya dahil hindi sila iniwan ng fans.

"Ako I'm grateful for them kasi despite the lockdown and despite us working from home tapos biglang babalik ng studio, they stayed with us, hindi nila kami iniwan and lagi pa rin silang sumusubaybay ang now looking forward to the studio taping, so I'm grateful for them that they stayed loyal despite the hard times."

Dagdag ni Mark, "Sana matuwa sila sa aming ipapalabas kasi ginawa namin ito ng GMA for them kahit mahirap and maraming kailangan i-follow na rules and protocols kailangan din gawin para sa kanila."

Abangan ang All-Out Sundays studio comeback episode ngayong Linggo, September 27, 12:45 ng tanghali sa GMA Network!

All-Out Sundays comeback taping