TV

Rita Daniela at Ken Chan, nagbigay ng love advice sa 'All-Out Sundays'

By Bianca Geli

Excited na nagbalik studio sina Rita Daniela at Ken Chan para sa "Sana All: Hugot from the Heart" segment ng All-Out Sundays.

"Grabe ang sarap sa pakiramdam dati nasa Zoom tayo ngayon nasa studio na ulit tayo," kuwento ni Ken.

Nagbigay payo rin ang dalawa para sa isang letter sender na may dinadalang hugot love problem. Binasa ni Rita ang liham mula sa nasabing sender.

Dear AOS,

Itawag niyo na lang ako sa pangalang Armie, tubong Pangasinan pero dito namamasukan sa Maynila bilang call center agent.
Nagsimula ang aking hugot love story ng makilala ko si Jasper, cute, friendly, at malambing. Madalas kaming nagkakasabay ng breaktime kaya mas nakilala namin ang isa't isa. Mabait si Jasper kaya madaling nahulog ang loob ko sa kaniya.
'Yun nga lang ay may girlfriend na siya nung mga panahon pero hindi nagtagal nag-break din sila ng girlfriend niyang si Anne. Ako ang naging shoulder to cry on. Matagal ko nang gusto si Jasper kaya lahat ginawa ko para mag-work ang relationship namin.
Pero hindi nagtagal parang nawalan na ng gana si Jasper. Lagi rin siyang balisa kapag kasama ko siya. Inamin niyang magre-resign na siya sa trabaho. Ang masakit dito, gusto niya na rin tapusin ang relasyon namin.
Humingi siya ng patawad at inamin na mahal niya pa rin si Anne. The worst part is, nalaman kong nagdadalang tao ako. Kinausap ko si Jasper para sabihin na buntis ako. Natulala siya dahil hindi niya rin alam ang gagawin.
Paninindigan niya kaya ang anak namin o tatanggapin ko na lang ba na hindi niya na ako babalikan?

Nagmamahal, Anne

Nakisali rin sa pagbibigay ng payo ang love mentor na si Paolo Contis na nahirapan din sa sitwasyon ng letter sender. "Medyo mahirap 'yung sitwasyon ni Anne kasi nagdadalangtao ka 'eh," saad ni Paolo.

"Mahirap ibigay 'yng sarili mo doon sa hindi ka mahal. Mahirap din makipagbalikan for the wrong reasons.

"Hindi madali, pero isipin mo na lang muna ang kapakanan mo at ng magiging anak mo," dagdag ni Paolo.

Panoorin ang buong payo nina Paolo, Rita, at Ken sa Sana All: Hugot from the Heart ng All-Out Sundays.

Para sa inyong mga hugot love stories, magpadala lamang ng inyong storya ng pagibig sa alloutsundays7@gmail.com

Panoorin ang buong video above