What's on TV

Marcelito Pomoy at XOXO, naglaban sa 'All-Out Sundays'

By Bianca Geli
Published October 27, 2020 2:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Marcelito Pomoy and XOXO


Panoorin ang showdown nina Marcelito Pomoy at XOXO sa 'All-Out Sundays' Ka-Taong Bahay DITO:

Nagpatagisan ang international singer na si Marcelito Pomoy at ang Kapuso girl group XOXO sa Ka-Taong Bahay segment ng All-Out Sundays kung saan may makakalarong home partners ang mga studio guests na maaring manalo ng 10,000.

Kasama rin ng dalawang bigating singing champions ang All-Out Sundays singers na sina Julie Anne San Jose at Rita Daniela sa paglalaro ng TikTok trend na "Liparin Mo Challenge."

Nakipagkulitan din mula sa kanilang mga bahay ang dalawang fans na nagwagi ng cash prizes. Ang nagwagi na fan ay nag-advance sa final round ng Ka-Taong Bahay na Pasa Mode kung saan pipili ang home partner ng celebrity player na tatakpan ng mata at kailangan ma-guide ng ka-taong bahay ang celebrity player na maputok ang pulang lobo na may P10,000.

Nakalaro ng home partner nitong nakaraang episode ng All-Out Sundays si Rita Daniela mula sa kaniyang tahanan at masuwerteng nagwagi ng cash prize.

Alamin kung paano makasali sa Ka-Taong Bahay Promo dito sa Ka-Taong Bahay Promo mechanics.

Panoorin ang kanila performance sa video sa itaas. Kung hindi ito naglo-load nang maayos, maaari n'yo itong panoorin DITO.