TV

All-Out Sundays, balik-live para sa kanilang anniversary

By Marah Ruiz

Live na live ulit ang weekly variety show na All-Out Sundays para sa kanilang anniversary ngayong Linggo.

Sigurado daw si Asia's Multimedia Star Alden Richards na ikatutuwa ng mga manonood ang pagbabalik ng nakagisnang noontime show.

"Magbabalik-live na po ang All-Out Sundays, this coming Sunday. Babalik na po 'yung dating Sunday noontime show niyo nang live this time," pahayag niya.

May bagong musical segment din daw na dapat abangan dito, ayon kay Glaiza De Castro fresh from Ireland, kung saan siya na-engage, nag-shoot ng prenup photos at pati ng music video.

"Most of the stars ng Kapuso network ay nandoon, makiki-party sa amin. We're very excited kasi ang tagal din naming ginagawa 'yung mga online party every Sunday. Noong bumalik din kami sa studio, iba 'yung feeling ng nasa studio kayo na kasama mo 'yung mga tao na kasama mo before sa mga prods (prod number). Nakaka-excite.

"Kung namiss niyo ang 'Tapsikret,' may bagong musical comedy segments na makikita niyo this year," aniya.

Puspusan naman daw ang preparasyon nila para sa iba't ibang performances.

"Ayun naman kasi 'yung trademark namin sa show. Sobrang solid ng mga performances. Mas dinoble namin 'yung effort for this Sunday. Kailangan perfect," ani Rayver Cruz.

Para naman kay Miguel Tanfelix, mas naging well-rounded performer daw siya salamat sa All-Out Sundays.

"Open ang All-Out Sundays na pinag-adapt nila 'ko. Minsan pinakanta nila 'ko ng sobrang bago sakin kaya nakaka-excite. Kaya ngayong live na kami, andoon 'yung challenge, 'yung pressure na mas magpapagaling sa 'yo," bahagi niya.

May inihanda naman daw na medley of love songs si Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista.

"It's called 'Wonder' by Shawn Mendes. It fits so well sa what I'm feeling as well, what the show is feeling. I wonder what it's like to be loved by you. That's what we want eh. We want to love you and we want to be loved by you," paliwanag niya tungkol sa isa sa mga kantang ipe-perform niya.

Sinugurado naman daw ng show na nasusunod ang mga safety protocols sa set. Lahat din ay nagpa-swab test bago pinayagang makalahok sa anniversary special.

"Social distancing and 'yung rule po talaga sa lahat every time na lumabas kami, even though nasa dressing room kami dapat naka mask and face shield as much as possible," ani Kyline Alcantara.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Kung hindi ito mapanood, pumunta lamang dito.