TV

'The Clash' grand champion Jessica Villarubin, ipinakita ang new look sa 'All-Out Sundays'

By Bianca Geli

Ipinakita ng The Clash Season 3 grand champion na si Jessica Villarubin ang kanyang new look sa All-Out Sundays nitong nakaraang Linggo, March 14. Matapos ang ilang buwan, ginulat ni Jessica ang mga fans sa kanyang makeover.

Nakasama ng 25-year-old Cebuana diva ang All-Out Sundays female group na Queendom. Isa sa mga kinanta ni Jessica ay ang kanyang latest single na "Ako Naman," na sinulat ng Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista.

Kuwento ni Jessica sa All-Out Sundays, "Sobra kong na-miss mag-perform sa 'All-Out Sundays.' I'm so grateful na nakasama ako sa segment ng Queendom and sobrang happy ko kasi 'yung mga kasama ko sobrang galing--sina Ms. Lani [Misalucha], Ms. Julie Anne [San Jose], Ms. Aicelle [Santos]."

Ibinahagi niya rin ang mga pagbabago sa buhay niya simula ng manalo sa The Clash Season 3 bilang grand champion noong December 2020.

"'Yung family ko po siyempre natulungan ko sila and ngayon natupad na po 'yung pangarap ko na makapag-perform sa TV and it's every Sunday. I'm very happy and grateful po.

Hindi pa man makauwi sa kanyang hometown sa Cebu si Jessica, excited na ito makita ang reaksyon ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa kanyang new look.

Aniya, "Hindi ko po alam kung kailan ako makakauwi, sobrang miss ko po 'yung family ko. Hindi ko alam if magugulat ang mga tao 'pag uwi ko, 'yung mga kaibigan at kapitbahay ko. 'Wag po kayong magulat ako pa rin po ito, si Jessica pa rin po ito. Maraming salamat po sa lahat ng mga sumuporta at naghintay sa akin."

Pakinggan ang latest single ni Jessica Villarubin, "Ako Naman" sa lahat ng digital music platforms worldwide.

Viewers abroad can also watch All-Out Sundays via GMA's flagship international channel, GMA Pinoy TV. For the program guide, visit www.gmapinoytv.com.