GMA Logo Rayver Cruz
What's on TV

Rayver Cruz, handa na bang ikasal?

By Bianca Geli
Published June 10, 2021 3:46 PM PHT
Updated June 10, 2021 4:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz


Rayver Cruz, sinagot ang fan na nagtanong kung may balak na ba siyang magpakasal.

Nalagay sa hot seat si Kapuso actor Rayver Cruz nang sumali siya sa GMA Entertainment Viber Group Chat kasama sina Julie Anne Jose at Miguel Tanfelix para sa All-Out Sundays special episode para sa 71st Anniversary ng GMA.

Tanong ng isang fan, "To Rayver, alam ko happy mom mo sa heaven, sa mga na-achieve n'yong magkapatid. Is there any plan to get married na din?"

Matatandaang noong 2017 pa naging maugong ang balita na nagde-date sina Rayver at Janine Gutierrez, na inamin din nila noong 2018.

Sagot ni Rayver sa fan, "Ini-enjoy ko pa muna 'yung time ko sa mga pamangkin ko and kakakasal lang din ni Rodjun.

"Pero eventually darating din naman tayo diyan in God's time. Ngayon kasi nag-e-enjoy pa ako sa pagiging tito.

May mensahe rin si Rayver para sa mga patuloy na nanonood ng All-Out Sundays.

"Maraming salamat po kaya inspired kami lagi na galingan sa production numbers at comedy dahil sa inyo. Throughout these times kayo ang nagiging inspirasyon para pagbutihin lagi. Mahal namin kayong lahat."

Huwag palampasin ang All-Out Sundays special episode ngayong June 13, 12 noon sa GMA-7!

Samantala, silipin ang sweetest photos nina Rayver at Janine sa gallery na ito: