TV

Julie Anne San Jose, double trending sa social media

By Maine Aquino

Trending sa social media ang talented Kapuso star at Asia's Pop Diva na si Julie Anne San Jose nitong Linggo, June 13.

Sa episode ng All-Out Sundays ay nag-celebrate ng 71st anniversary ang GMA Network.

Kasabay ng selebrasyon na ito ay ang pinag-usapang performance ni Julie sa programa kaya naman nag-trend ang #JulieAnneSanJose at 'AllOut JAPS.'

Photo source: GMA Network | loveeejaps (IG)

Ayon sa mga nakapanood, nakapag-deliver nang maganda at kahanga-hangang opening number si Julie sa Sunday noontime show.

"What an Opening!! Gandang Bungad"

Saad naman ni @everythingJAPS, "The drum segment in the opening today is a GREAT start!"

Ayon sa post ni @Lianne_Japs21, nagamit ni Julie ang kaniyang pinag-aralan sa kolehiyo sa kaniyang pagho-host.

"Her education and experience makes her an expert in the field of hosting. Good thing na nagagamit nya yung degree nya in Communication Arts. The tone, the control and the over all of how she delivers the words is so brilliant."

Panoorin ang iba pang kaabang-abang na performances ni Julie Anne San Jose sa All-Out Sundays.

RELATED CONTENT:

Julie Anne San Jose, may patikim sa kantang 'Bagong Mundo' na gagamitin sa 'Still'