TV

Hannah Precillas, kinagiliwan ng mga fans sa 'All-Out Sundays'

By Bianca Geli

Kinagiliwan ng All-Out Sundays viewers si Kapuso OST Princess Hannah Precillas dahil sa kaniyang guesting kasama ang birit divas ng Queendom.

Nitong nakaraang Mayo, naglabas ng EP si Hannah sa ilalim ng GMA Music, ang Hannah Precillas Sessions. Kasama sa EP ang kaniyang rendition ng "Munting Hiling" na unang inawit ni Kapuso host Willie Revillame, at "Hiram na Sandali" ni Ella May Saison.

Itinuturing ni Hannah na "dream come true" ang makapaglabas ng sarili niyang EP.

Aniya, "Pangarap ko simula noong bata pa lang ako hanggang ngayon. Pinapangarap ko na sana mangyari sa career ko 'to and ito na, nangyari na siya. So, I'm very grateful and thankful sa GMA Music for giving me this opportunity."

Unang nakilala si Hannah nang sumali siya sa singing competition na Bet ng Bayan noong 2014, kung saan siya'y nagwagi bilang grand champion.

Noong 2019, lumaban siya sa Indonesian singing competition kung saan siya'y nagwagi bilang 2nd runner-up sa D' Academy Asia 5.

Kilalanin ang mga singing divas ng Queendom:

Panoorin ang performance nila sa ibaba: