
Matapos ang pagkapanalo ni Mariane Osabel bilang grand champion sa The Clash Season 4 noong 2021, naging mainstay ang singer sa weekend noontime show na All-Out Sundays, kung saan naging miyembro ito ng girl group na Queendom.
Ngunit may mga pumupuna na mas nagniningning daw si Mariane noong nasa The Clash pa ito kumpara ngayon.
Gayunpaman, patuloy ang biyaya sa buhay ni Mariane, lalo na't ngayong may single na siya under GMA Music.
Sa naganap na online media conference ng singer para sa single na "Pira-piraso," naikwento ni Mariane ang reaksyon niya sa mga komento at pagkumpara ng mga tao sa kanyang performances sa The Clash at All-Out Sundays.
"Sobrang grateful ko lang po na naging parte ako ng 'Queendom' sa All-Out Sundays.
"Grabe 'yung experience ko sa Queendom, sobrang tight ng relationship namin and sobrang ganda, genuine ng dynamic namin.
"Sobrang happy ko lang, nagbibigayan talaga kami ng spotlight sa isa't isa.
Nakakatanggap din daw si Mariane mula sa fans na tila na-overpower ang kanyang talento sa noontime show, kung saan marami ring ibang talented singers bida sa kantahan.
Paliwanag ni Mariane, "I think siguro po, hindi lang po ako nabibigyan ng the best division na para sa akin. pero I'm really trying my best na maihahalintulad ko yung performance ko sa The Clash.
Dagdag niya, "Hindi ko iniisip na dapat ako mag-stand out, iniisip ko na lang I'll do my best, hindi ko na i-si-stress our 'yung sarili ko masyado.
"Ang iniisip ko rin if duet at yung isa loud, gusto ko maging neutral kasi parang hindi naman melodious pakinggan kapag nagsasapawan na kayo. Hindi na siya appealing sa ears. Hindi na siya maganda pakinggan, so ang ginagawa ko, ako na lang nagnu-neutralize.
"Kung bibirit ka, okay, go ahead, hindi ako 'yung bibirit din.
"Ganoon po yung usual na ginagawa ko kapag duet or group performance. Kami po lahat sa Queendom ganoon din ang mindset namin palagi.
Naka-focus din ngayon ang singer sa kauna-unahan niyang single under GMA Music, ang "Pira-piraso."
Saad ni Mariane, "Pira-piraso is all about healing and moving on.
"It's about my personal experience so I'm exposing a little part of myself."
Listen and download Mariane Osabel's single "Pira-Piraso" in all music streaming platforms, out now!
GET TO KNOW MORE ABOUT MARIAN OSABEL IN THIS GALLERY: