TV

'Bubble Gang' boys nagbukingan sa 'All-Out Sundays'

By Bianca Geli

Nakisali sa katuwaan ang Bubble Gang boys na sina Sef Cadayona, Jak Roberto at Archie Alemania sa All-Out Sundays at habang naglalaro ng kanilang "Sino ang pinaka..." nabuking na si Sef Cadayona ang pinakamaraming naging girlfriend sa Bubble Gang girls.

All-Out Sundays: Tatay ng isang sikat na Kapuso hunk, madalas ipatawag sa eskuwelahan?!

Paliwanag naman ng nahihiyang si Sef, "Hindi, mapagmahal lang talaga ako, tipong friendly."

Nanawagan din ng tulong ang All-Out Sundays para sa isa sa mainstays ng programa na si Super Tekla.

Pahayag ni Michael V., "Isa sa mga Kapuso natin na mahilig magpatawa ang nasa krisis ngayon. Gusto po sana nating kumatok sa inyong mga puso para doon sa isa nating Kapuso na may pinagdadaanan ngayon.

Aniya, "'Yung anak ni Super Tekla, nagpapagamot sa ospital, si Baby Angelo na kasalukuyan pong nasa ICU.

"Kaya we appreciate your prayers and support. Para po sa mga gustong maghatid ng tulong pinansyal, puwede pong magpadala ng GCash kay Romeo Librada."

Nagpadala naman ng mensahe si Super Tekla para magpasalamat sa All-Out Sundays, kuwento ni Betong Sumaya,

"Watching live from Philippine Children's Hospital, salamat po sa buong support ng aking GMA AOS family at sa lahat ng mga Kapusong nakatutok."

Para sa donasyon sa anak ni Super Tekla, maaring magpadala ng tulong pinansyal sa sumusunod:

GCash#: 09771355040
UCPB Account #: 10160009905
Romeo C. Librada


All-Out Sundays: "Sagutan" by Ken Chan and Glaiza De Castro