TV

'Tween Academy' cast, may reunion sa 'All-Out Sundays'

By Bianca Geli

Mahigit walong taon na nang matapos ang youth-oriented Kapuso show na Tween Academy.

Kumusta na kaya ang cast na kinabibilangan nina Joyce Ching, Kristoffer Martin, Bea Binene, at Joshua Dionisio?

Samahan silang mag-reminisce kasama ng inyong All-Out barkada ngayong Linggo sa All-Out Sundays.

Makakasama rin ang nag-gagandahang Kapuso ladies na sina Carla Abellana, Rhian Ramos, at Glaiza de Castro sa bukingan at chikahan session nila ngayong Linggo kasama sina Boobay at Rocco Nacino.


Abangan ang lahat ng 'yan ngayong July 19 sa All-Out Sundays, mapapanood na muli tuwing 12:45 ng tanghali sa GMA Network. Puwede ring tumutok online sa live streaming sa All-Out Sundays official Facebook and Twitter at sa GMA Network YouTube channel.

RELATED CONTENT:

All-Out Sundays: Kapuso hunk, umaasim daw ang kili-kili?!

All-Out Sundays: Buong Pilipinas, nakiki-all-out na saya na!