TV

Betong Sumaya, dream come true na makatrabaho si Solenn Heussaff sa 'All-Star Videoke'

By Felix Ilaya

"It's a big blessing following the footsteps of Allan K, Jaya, and Arnell Ignacio, ang laki ng shoes to fill," 'yan ang sinabi ng komedyanteng si Betong sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com tungkol sa panibago niyang show na All-Star Videoke.

Dagdag pa ni Betong na nakakaramdam siya ng pressure bilang host ng all-original Kapuso musical game show, "May pressure talaga kasi kailangan mong tingnan kung paano sila nag-host. Naaalala ko pa, nakapaglaro rin ako before pero ang galing talaga ng mga host na 'to. Ginawa ko silang inspiration [and] at the same time, kailangan maiba mo rin."


Ano naman kaya ang masasabi ni Betong sa partner at co-host niyang si Solenn Heussaff?

"Actually first time namin makapag-work talaga together, siguro nakapag-work kami [sa ibang shows] pero 'yung kaming dalawa lang? First time 'to. Si Solenn hindi naman mahirap pakibagayan, sobra siyang nakakatawa, sobrang game."

Matatandaan na parehong sumalang sina Betong at Solenn sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown, si Betong sa fourth season at si Solenn naman sa third. Nag-share si Betong ng experience niya with Solenn noong naging castaway siya.

Aniya, "Ako na sta-starstruck pa rin ako sa kaniya, naaalala ko kasi noon sa Survivor, may time na bumisita si Solenn sa [camp] namin. Hindi namin akalain na magge-guest siya so natulog siya sa isla. Sabi ko ['nung time na 'yon], 'Sana magkaroon ako ng project with Solenn.' Kaya ngayon, nakaka-shock na ka-partner ko na siya."