TV

WATCH: Sheena Halili vs Katrina Halili on 'All-Star Videoke'

By Felix Ilaya

Last Sunday sa All-Star Videoke, mas lalong uminit ang kompetisyon dahil sa mga contestants na sina Sheena Halili, Katrina Halili, Wilma Doesnt, Benjamin Alves, Mike Tan, at Dion Ignacio.

Sa third elimination round, kinanta nila Sheena, Katrina, Wilma, at Dion ang kantang "Foolish Heart" ni Steve Perry na mukhang gamay na gamay ng mga contestants.

 

Nagharap naman sa fifth elimination round ang Halili cousins na sina Sheena at Katrina. Inawit nila ang "Pangako Sa'yo" ni Rey Valera at nagpagalingan talaga ang dalawa.

 

Pagkatapos ng kanta ay nagkaroon pa ng iringan sina Sheena at Katrina.