TV

WATCH: Maricris Garcia, bigong mapanalunan ang brand new car sa 'All-Star Videoke'

By Felix Ilaya

Sumabak sina Jake Vargas, Juancho Trivino, Kate Valdez, Klea Pineda, Maey Bautista, at Beki Belo sa isa nanamang intense round ng kantahan last Sunday sa All-Star Videoke.

Sa isang laglagan round, sinubukan ni Jake na iligtas ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagpapakilig sa all-star laglager na si Iya Minah.

 

Nagtapat naman si Juancho at Mae sa last elimination round.

 

Nakalaban ni Maey ang defending champion na si Maricris Garcia sa elimination round. Isang panalo na lang from Maricris ay magkakaroon na siya ng chance na mapalanunan ang All-Star Videoke grand prize na brand new car.

 

Sa kasamaang palad, hindi na-perfect ni Maricris ang jackpot round kaya't hindi niya makukuha ang brand new car. Gayunpaman, masaya pa rin si Maricris na mag-uuwi ng PHP 339,500!

 

Sino-sino naman kaya ang mga susunod na contestants na sasabak sa All-Star Videoke? Abangan every Sunday pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.