Celebrity Life

Dingdong Dantes, nag-timeout sa taping ng 'Alyas Robin Hood' para sa birthday ni Baby Zia

By MICHELLE CALIGAN

Abala man sa taping ng top rating primetime series na Alyas Robin Hood, hindi nakalimutan ni Dingdong Dantes na ipagdiwang ang first birthday ng panganay nila ni Marian Rivera na si Baby Zia.

 

LOOK: Dantes family celebrates the first birthday of Baby Zia

Ayon sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, walang inayos na bonggang party ang mag-asawa para sa kanilang unica hija. Mas mahalaga raw na magkakasama silang tatlo sa espesyal na araw na ito.

"'Yung celebrations puwede naman 'yan throughout the week or the weekend. Magkakaroon kami ng maliit na meryenda with family at mga ninong at ninang. Mga ganun na lang muna. Saka na 'yung celebration na may clowns, kapag nakakaintindi na siya."

Malaki rin ang pasasalamat ni Dong sa mga patuloy na nanonood ng Alyas Robin Hood. Aniya, makakaasa ang televiewers ng mas maaksyon pang episodes.

"Makikita nila kung ano ang struggles na mangyayari at kung papaano siya siguro makakatakas eventually. Maganda dahil nabibigyan sila ng ibang klaseng pananaw, a different kind of entertainment, an alternative doon sa mga parati nilang nakikita."

Video from GMA News

MORE ON DINGDONG DANTES:

Dingdong Dantes, may model na gustong makilala?

Dingdong Dantes's YesPinoy Foundation Inc. launches the Go Bags Challenge