TV

LOOK: Kapamilya star Jason Francisco mapapanood sa 'Alyas Robin Hood?'

By Aedrianne Acar

In full swing na ang paghahanda ng GMA-7 para sa pagbabalik telebisyon ng pinakaastig na teleserye na pinagbibidahan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes—ang Alyas Robin Hood.

LOOK: Dingdong Dantes, sumalang na sa pictorial ng 'Alyas Robin Hood'

Pero tila nakatawag pansin sa mga netizens ang isang artista na spotted sa taping ng show na ito. 
Sa post ng comedienne na si Tess Bomb sa Instagram, makikita ang Kapamilya star na si Jason Francisco.

 

Ano kaya ang cameo role ni Jason sa inaabangang Kapuso primetime series?

 

Sumikat si Jason nang sumali siya sa isang reality TV show at mister siya ng comedienne/host na si Melai Cantiveros.

Huwag papahuli sa pagbabalik primetime ni Dingdong Dantes sa Alyas Robin Hood sa nangunguna at hindi mapantayan na GMA Telebabad!