Andrea Torres, nagkuwento tungkol sa kanyang sexy pasabog sa 'Alyas Robin Hood'
Pilot week pa lang ng Alyas Robin Hood ay bonggang-bongga na ang pasabog ni Andrea Torres bilang si Venus nang tinanggal niya ang kaniyang wetsuit sa unang eksena.
Aniya, "Alam n'yo naman, hindi puwedeng si Venus ay e-enter ng ganun ganun na lang. Kailangan talaga meron siyang moment."
Marami rin naman daw natutunan at pinagbago si Andrea dahil sa kanyang palaban na role. Ika niya, "With Alyas [Robin Hood], parang ewan ko nagkakaroon ako ng lakas ng loob. Ang dami kong na-conquer talaga na fears. And at least ano, nakatulong din siya sa every day life ko. At least hindi na ako ganun kamatakutin."
Isa rin sa inaabangan sa show ay ang pagdating ni Solenn Heussaff bilang si Iris, ang magiging bagong karibal ni Venus sa puso ni Pepe (Dingdong Dantes).
Kuwento naman ni Andrea, in real life ay mukhang walang magiging bad blood between them ni Solenn. Ika niya, "Sobrang mag-e-enjoy kaming dalawa. Magkasundo kami, eh. 'Pag nag-uusap kami, okay talaga, maganda 'yung pakiramdam ko sa kanya."
Panoorin ang report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News