TV

MUST-READ: 'Alyas Robin Hood,' mapapanood na sa bagong oras sa GMA Telebabad

By Michelle Caligan

Simula ngayong Lunes, September 18, mapapanood na ang Alyas Robin Hood pagkatapos ng Super Ma'am!

Pagkatapos ng 24 Oras, makikilala na natin ang best teacher na, fantastic pa na si Super Ma'am. Pagbibidahan ito ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Susundan ito ng mas maaksyong Alyas Robin Hood ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Nasa third slot pa rin ng primetime block ang My Korean Jagiya nina Heart Evangelista at Alexander Lee.



Huwag palampasin ang mas pinaganda at kaabang-abang na GMA Telebabad simula September 18!