TV

Amazing kuwento ng Anawangin at exotic food trip, tampok sa 'Amazing Earth'

Mapapanood sa Amazing Earth ang bagong mga amazing na kuwento ni Dingdong Dantes mula sa Anawangin Cove, Zambales.

Sa March 15, samahan natin si Dingdong na tuklasin ang twin mysteries ng Anawangin Cove. Ito ay ang kuwento ng diwata na sinasabing nagbabantay sa kanilang lugar. Tampok rin ang agoho trees na kawangis ng pine trees na umusbong pagkatapos ng eruption ng Mt. Pinatubo.

Mapapanood rin sa Amazing Earth ang Calina brothers mula sa Pampanga na magbabahagi ng kanilang mukbang exotic food trip tulad ng ants, beetles and worms.

PHOTO SOURCE: Amazing Earth



Tampok pa sa Biyernes ang amazing adventures mula sa seryeng “Africa's Deadliest: River Rivals.”

Tutukan ang lahat ng ito sa Amazing Earth ngayong Biyernes, 9:35 pm sa GMA Network at Pinoy Hits. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.

SAMANTALA, BALIKAN ANG AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: