TV

Amazing food trip ng Ginisang Langgam, Chichaworms, at Crispy Adobong Salagubang, tampok sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino

Isang kakaibang food trip ang napanood sa Amazing Earth dahil naghain ng ilang exotic foods ang vloggers na ipinakilala ni Dingdong Dantes.

Tampok noong Sabado, June 10, ang Calina Brothers at ang kanilang pag-demonstrate ng paghahanda ng exotic foods gaya ng Ginisang Langgam, Chichaworms, Ginisang Uok, at Crispy Adobong Salagubang.

Napanood rin sa Amazing Earth ang kuwento sa Anawangin Cove. Ito ay tungkol sa diwatang pinaniniwalaang nagbabantay ng kanilang lugar. Sinundan pa ito ng kuwento ng agoho trees, ang punong ng kawangis ng pine trees na tumubo pagkatapos ng Mt. Pinatubo's eruption.

Panoorin ang bagong episodes ng Amazing Earth tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA Network at via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.

SAMANTALA, BALIKAN ANG AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: