TV

Kuwento ng animal-eating plants at surfing para sa kalikasan, mapapanood sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino

Iba't ibang exciting na mga kuwento at paraan ng pagtulong sa kalikasan ang mapapanood sa Amazing Earth sa darating na Sabado, June 17.

Sa episode na ito, ibabahagi ni Dingdong Dantes ang kuwento tungkol sa animal-eating plants. Mapapanood sa Amazing Earth ang isang hobbyist na may koleksyon ng carnivorous Venus flytraps.


Makakausap naman ni Dingdong si Jhanet Magdayao, ang 15-year-old surfer mula sa Cabangan, Zambales. Ibabahagi pa sa Sabado ang Alon & Araw, ang non-profit organization na nagbibigay ng free learning activities and sports programs sa mga kabataan at nagtuturo rin ng paraan para mapangalagaan ang mga coastal communities.

Tampok pa sa Amazing Earth ang amazing adventures mula sa nature-documentary ng Bomanbridge Media na “Africa's Deadliest: River Rivals.”

Panoorin ang bagong episode ng Amazing Earth ngayong Sabado, 6:15 p.m. sa GMA Network at via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.

SAMANTALA, BALIKAN ANG AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: