TV

Monster igat at black strorm, tampok sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino

Isang bagong Biyernes na siksik sa adventure at kaalaman ang hatid ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth.

Mapapanood ngayong October 13 ang kuwento ng Kapuso Primetime Kung tungkol sa isang catch and cook vlogger na si Jerome Salvaña. Ibabahagi niya ang kaniyang karanasan sa paghuli ng malaking igat sa Jasaan, Misamis Oriental.

PHOTO SOURCE: Amazing Earth/ Facebook: Meljhay Fishing Adventure/ Facebook: J Ace Jing Frobuen
Tampok din sa Amazing Earth ang epekto ng climate change. Ibabahagi sa Biyernes ang kuwento mula sa Pinoy na nakaranas ng Black Storm sa Hong Kong.

Abangan din sa Biyernes ang kuwento ng wild invaders na nag-infiltrate sa urban jungles sa nature documentary na “Beasts in the City.”

Tutukan ang Friday night habit na handog ng Amazing Earth, 9:35 pm sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.