TV

Boobay, may ibabahaging Europe tour sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino

Bago at exciting ang mga kuwento mula sa iba't ibang lugar ang ating masasaksihan sa Amazing Earth ngayong April 19.

PHOTO SOURCE: Amazing Earth

Sa Biyernes, ibabahagi ng Amazing Earth host na si Dingdong Danes ang kuwento ni Boobay at ang kaniyang European tour. Alamin ang adventure ni Boobay sa London, Paris, Zurich, at marami pang iba. Mayroon ding Swiss Alps adventure kasama ang kaniyang fellow stand-up comedians na sina Pepita Curtis and Ian Red.

Mapapanood din sa Amazing Earth ang kuwento ng rescued Aspin sa Bataan na nagligtas sa owner niya mula sa venomous cobra.

Mula naman sa Africa ang mga kaabang-abang na kuwento ni Dingdong mula sa nature docu-series na Babies Diary.

Huwag magpahuli sa Best Time Ever na hatid ng Amazing Earth! Tutukan ang lahat ng ito sa Amazing Earth ngayong Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Network at Pinoy Hits.

Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.