GMA Logo Dingdong Dantes
What's on TV

Dingdong Dantes as a reservist: 'Naranasan ko kung gaano kahirap ang pagdadaanang pagsasanay'

By Maine Aquino
Published May 20, 2024 4:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo surprises kids by dressing up as Santa Claus for Christmas
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers
'PBB' housemate Joj Agpangan weds fiancé in Austin, Texas

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Inilahad ni Dingdong Dantes ang kaniyang mga karanasan bago siya kinilala bilang reservist ng Philippine Navy.

Binalikan ni Dingdong Dantes ang kaniyang naging karanasan bilang isang reservist ng Philippine Navy.

Sa programa ni Dingdong na Amazing Earth, ikinuwento niya at ipinakita ang mga pinagdaanan bilang isang reservist.

Ani Dingdong, "Noong 2006 nagpa-enlist ako bilang reservist sa Philippine Marine Reserve Force. Katulad ng ibang reservist, naranasan ko kung gaano kahirap ang pagdadaanang pagsasanay ng mga kababayan nating sundalo."

PHOTO SOURCE: Dingdong Dantes/ Amazing Earth

Inilahad pa ni Dingdong na may paraan para makatulong sa bayan na hindi humahawak ng armas.

"Bilang reservist, maraming paraan para makatulong sa ating mga kababayan na hindi humahawak ng armas. Isa sa mga hindi ko malilimutan ang paghahatid namin ng tulong sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal noong 2020. Nakasama ko pa ang kapwa ko reservist at Kapuso na si Rocco Nacino.

Si Dingdong ay na-promote bilang Philippine Navy reservist Lieutenant Commander taong 2020. Noong December 2023 winelcome naman si Dingdong bilang honorary member ng Philippine Navy Seabees. March 2024 naman tinanggap ni Dingdong ang certificate of completion para sa Naval Combat Engineer Officer Basic Course.

Ayon kay Dingdong, malaking bagay sa kaniya ang suporta ng pamilya lalo na ng asawa niyang si Marian Rivera.

"Si Marian ang team leader ng Dantes squad na laging present sa bawat milestone ko as a reservist."

Sa huli inilahad niya ang kaniyang hiling para sa bansa bilang isa sa mga reservists.

"Bilang isang reservist, bilang isang sundalo, iisa lang naman ang hangad ko. Ang makapamuhay sa maayos at ligtas na kapaligiran ang bawat Pilipino."

Balikan ang kuwento ni Dingdong Dantes bilang reservist ng Philippine Navy dito: