
Isang amazing water adventure kasama ang ilang sea creatures ang inihanda ni award winning host Dingdong Dantes para sa Amazing Earth ngayong Biyernes, May 2.
Bibisita si Sparkle star Jamir Zabarte sa Maramo RIver para subukan ang ilang outdoor adventure sites ng kinikilalang “Little Palawan in Bulacan.” Pupuntahan ng young actor ang nakakabighaning kuweba sa Maramo River at ang iba't ibang rock formations dito.
Susubukin din ni Jamir malampasan ang kaniyang takot mula sa matataas na lugar nang subukan niya ang cliff diving sa unang pagkakataon!
Mapapanood din ngayong Biyernes ang pagpapatuloy ng documentary series na Alien Abyss: Allies or Adversaries.
Abangan ang exciting na adventure na hatid ng Amazing Earth ngayong Biyernes, 9:25 p.m. pagkatapos ng Mga Batang Riles sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa Kapuso Stream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
BALIKAN ANG ILAN SA MGA AMAZING TOURIST DESTINATIONS NA PINUNTAHAN NI DINGDONG DANTES SA 'AMAZING EARTH' SA GALLERY NA ITO: