
Exciting na Biyernes (May 23) ang mapapanood sa Amazing Earth dahil bibisita ang Reina Hispanoamericana 2025 na si Dia Mate.
Tampok sa episode na ito ang pagsabak ng beauty queen sa back-to-back thrilling challenge sa Sandbox, Pampanga. Abangan ang inihanda ni Dia na wall climbing, free fall skills, at iba pa.
Mula naman sa Pasig City, ibabahagi ng award-winning Kapuso host na si Dingdong Dantes ang indoor strawberry urban farm. Abangan ang mini-tour sa innovative vertical farm na may fresh, juicy and pesticide-free strawberries.
Mapapanood din sa Amazing Earth ang mga kuwento ni Dingdong tungkol sa wildlife series na “Alien Abyss: Allies or Adversaries.”
Abangan ang exciting na adventure na hatid ng Amazing Earth ngayong Biyernes, 9:25 p.m. pagkatapos ng Mga Batang Riles sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa Kapuso Stream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA AMAZING ADVENTURE NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: