advertisement
TV

Amazing tourist destinations, ibinahagi sa 'Amazing Earth'

1 of 18

Hinatuan Enchanted River

Hinatuan Enchanted River ang isa sa mga amazing na destinasyon na nakakuha sa atensyon ng mga sumusubaybay sa 'Amazing Earth.'

2 of 18

Surigao del Sur

Ilang Filipino cave divers ang sumabak sa exploration ng Hinatuan Enchanted River na matatagpuan sa Surigao del Sur. Taong 2015 ginawa ang rapid source assessment na ibinahagi ng Filipino cave diver at expedition leader na si Bernil Gastardo.

3 of 18

Overland Travel

Isang overland travel story ang ibinahagi ni Raena Abella sa 'Amazing Earth.' Ayon sa kaniya, nagdesisyon siyang gawin ito para makita ang iba't ibang magagandang lugar sa bansa.

advertisement
4 of 18

Tour around the Philippines

March 2023 sinimulan ni Raena ang solo overland travel. Umabot ng 31 days ang pamamalagi ni Raina sa Luzon at Visayas at 83 days naman sa Mindanao. Inabot si Raena ng 121 days sa amazing na paglibot niya sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.

5 of 18

Silanguin Cove, Zambales

Mula naman sa Silanguin Cove, Zambales matatagpuan ang lugar kung saan maaaring masubukan ng mga turista ang flyboarding.

6 of 18

Amazing experience

Nag-enjoy sa amazing water sport experience ng dalawang estudyante mula sa Ateneo na sina Justin Ong at Jane Bautista.

advertisement
7 of 18

Buhay astronaut

Si Kristine Jane Atienza ang unang Pilipinong nakasubok ng amazing astronaut experience sa Hawaii.

8 of 18

HI-SEAS

Nakapasa sa application si Kristine sa HI-SEAS (The Hawai'i Space Exploration Analog and Simulation) at nasubukan niya kung paano mamuhay bilang isang astronaut.

9 of 18

Adventure in Bohol

Mula sa Danao Adventure Park naman makikita ang mga exciting na activities na napanood sa 'Amazing Earth.'

advertisement
10 of 18

Bohol

Kuwento ng content creator na si Mark Ramos mula sa Lakbay Sa Iraya YouTube channel, sinubukan niya ang mga activities sa lugar nang may mapanood siya online na maaaring gawin sa Bohol.

11 of 18

Mt. Everest

Isang amazing na Pinay na nakaakyat sa Mt. Everest naman ang napanood sa 'Amazing Earth'

12 of 18

Pinoy

Ang Tactical Officer ng Philippine Coast Guard na si Carina Dayondon ay nahirang na unang Pinay na nakaakyat sa highest point in all seven continents.

advertisement
13 of 18

Christmas Tour

Malalamig na lugar ang binisita ng Pinoy vloggers na si Jomar Perez at Richard Diongson. Ito ay ang Santa Claus Holiday Village sa North Pole, Alaska, at Lapland, Finland.

14 of 18

Santa Claus Holiday Village

Ang Santa Claus Holiday Village ay kilala bilang isa sa mga tourist spots sa kanilang bansa.

15 of 18

World's most dangerous snake

Isa sa ipinakita sa 'Amazing Earth' ay ang world's most dangerous snake mula sa Masbate.

advertisement
16 of 18

Minalayo Island

Ang Minalayo Island o mas kilala bilang Snake Island sa Masbate ay isang sikat na tourist destination. Pero ito rin ang tahanan ng makamandag na Banded Sea Krait o Walo-Walo. Ikinuwento ng vlogger na si Rosito Garcia ang kanilang naging karanasan sa pagharap sa makamandag na walo-walo.

17 of 18

Mabinay, Negros Oriental

Ipinakita naman ni Henry Elmaco Jr. ang ganda ng mga kuweba mula sa Mabinay, Negros Oriental.

18 of 18

Crystal Cave 

Isa sa mga sikat na kuweba sa Mabinay ay ang Crystal Cave.

advertisement