TV

Dingdong Dantes, aalamin ang istorya ng baby animals na humaharap sa iba't-ibang panganib

By Maine Aquino

May bagong amazing adventure across the nation and around the world si Dingdong Dantes sa Amazing Earth.

Ngayong October 21, aalamin ni Dingdong ang mga hinaharap ng baby animals na panganib mula sa ferocious neighbors, cannibalism at sibling rivalry.

Ibabahagi rin ni Dingdong ang cave ecosystem at conservation mula kay Mamerto 'Mertz' Certifico Jr.

Saksihan ang lahat ng ito sa Amazing Earth ngayong Linggo, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.