TV

Amazing Earth: Ang mga paraan para mag-adopt o mag-rescue ng stray animals

By Maine Aquino

Sa lumalaking populasyon ng stray animals, inuudyok ng ilang organisasyon na kumakalinga sa mga hayop na mag-adopt na lamang upang makatulong sa pag-rescue sa mga ito.

Dingdong Dantes

Ito ang naging diskusyon ni Dingdong Dantes at Jeff Diaz ng CARA Welfare Philippines sa January 27 episode ng Amazing Earth. Ayon kay Jeff, madali lamang mag-adopt ng furry animals mula sa shelter. Nagbigay rin siya ng ilang tips para mag-rescue ng abandoned animals.