Ang pagsagip sa tawilis | Ep. 39
Published On: March 12, 2019, 07:49 PM
Updated On: March 12, 2019, 08:11 PM
Sa Amazing Earth, ibinahagi ni Dingdong Dantes ang naging dahilan kung bakit endangered na ngayon ang tawilis.
Sa kanyang panayam sa Fishery Scientist at Marine Biologist na si Dr. Mudjekeewis Santos ay nabigyang linaw ang estado ng mga tawilis sa Taal Lake. Ayon sa kanya ay endemic sa Taal Lake ang mga tawilis, ngunit ngayon ay kinakaharap na ang posible nitong pagkaubos.
Dahil dito ay nagbigay si Dr. Santos ng mga payo tungkol sa best fishing practices at ilang recommendation sa ordinary citizens para masagip ang mga tawilis.