TV

Save the seeds to save the earth | Ep. 50

By Maine Aquino

Ang Amazing Earth hero na si Rev. Prior Fr. Archie Cortez, founder of Monasterio de Tarlac, ang nagbigay ng kanyang kaalaman kung paano mapangalagaan ang kapaligiran.

Sa kanyang interview with Dingdong Dantes sa Amazing Earth nitong May 26 ay ibinahagi ni Rev. Prior Fr. Archie ang importansya ng buto ng prutas sa Monasterio de Tarlac. Ayon sa Amazing Earth hero, ilan sa kanilang mga kasamahan ay itinatanim ang mga ito para madagdagan ang mga halaman at puno sa kanilang lugar. Ito umano ay ang kanilang paraan para pangalagaan ang mga ipinagkaloob ng Panginoon.

Panoorin ang kanilang makabuluhang usapan tungkol sa pagtatanim sa Amazing Earth.