TV

Strategy ng hunters, ikukuwento ni Dingdong Dantes sa 'Amazing Earth'  | Teaser Ep. 55

By Maine Aquino

Ngayong June 30, mga kuwento ng hunters sa ilalim ng karagatan ang ating mapapanood sa Amazing Earth.

Sa panibagong adventure ni Dingdong Dantes ay magbabahagi siya ng mga diskarte ng underwater creatures para maka-survive. Kanyang tatalakayin ang iba't iba nitong paraan para makakain at maiwasan ang magutom.

Bibisita rin si Dingdong sa Calauit Safari Park para ipakita ang mga kuwento ng mga nakakamanghang mga hayop na naninirahan doon.

Abangan ang adventure-packed weekend na ito sa Amazing Earth.