TV

WATCH: Dingdong Dantes, ibinahagi ang kanyang biyahe para sa 'Amazing Earth' taping

By Maine Aquino

Paano nga ba kinukunan ng Amazing Earth team ang breathtaking outdoor shots ni Dingdong Dantes?

Dingdong Dantes

Sa Instagram stories ni Dingdong, ipinakita niya ang kanilang biyahe na ginagawa sa isang taping day. Sina Dingdong at ang Amazing Earth team ay bumiyahe papuntang Pandin Lake sa Laguna para sa kanilang shoot na mapapanood soon sa kanyang Sunday infotainment program.

Kinailangan nilang magmotor, sumakay ng raft, at mag-hike para makarating sa kanilang location.

Panoorin ang kanyang video at saksihan ang adventure niya para sa Amazing Earth.