TV

Engineer na may puso, ibinahagi kung paano makakatulong sa kapaligiran | Ep. 62

By Maine Aquino

Ang Amazing Earth hero nitong August 18 na si Engr. Winchester Lemen ay ipinakilala ang kanyang paraan para matulungan ang ating kapaligiran.

Sa tulong ng kanyang recycling company na Winder Recycling Company, ibinahagi niya ang kanilang paraan para masolusyonan ang single use plastic ng bansa. Iba't ibang klase ng plastic na recycled materials ang kanilang ginagawa kabilang ang mga upuan, table at marami pang iba. Isa rin sa kanilang mga plano ay ang pagbuo ng bahay mula sa plastic materials.

Panoorin ang kanyang paraan sa pagtulong sa mundo sa Amazing Earth.