TV

Miguel Tanfelix, nagbahagi ng mga nalalaman sa pag-aalaga sa kapaligiran Ep. 67

By Aedrianne Acar

Ibinahagi ng talented Kapuso actor na si Miguel Tanfelix ang mga natutunan niya sa Kapuso soap na Sahaya sa panayam niya sa Amazing Earth.

Miguel Tanfelix

Ayon kay Miguel, na-realize niya sa pagganap bilang isang badjaw kung paano nila inaalagaan ang kanilang kapaligiran.

“Habang ginagawa ko 'yung Sahaya ang dami kong natutunan about sa culture ng badjaw and kung paano nila mahalin 'yung nature sa paligid nila. Kasi sa isla sila nakatira, meron silang dagat, meron silang kagubatan doon sila namumuhay, kaya kailangan nila pangalagaan ng mabuti iyon. Bilang taga-Maynila dapat ganun din ang pagmamalasakit natin sa nature.”

Binigyan-diin ng Kapuso actor na pwuede din tayo maging 'nature hero' sa maliit na paraan. Isa na dito ang pagtatapon ng maayos ng ating mga basura.

“Tip ko para maalagaan 'yung environment natin kunwari 'yung candy wrapper mo, instead of itatapon mo lang diyan sa gilid, kahit ilagay mo muna sa pocket mo. Kahit 'yung maliliit na bagay na 'yun it helps kasi 'pag pinagsama-sama lahat ng maliit na bagay malaking tulong na rin 'yun.”

Alam n'yo din ba na mahilig umakyat ng bundok si Miguel Tanfelix. Sino kaya ang nag-impluwensya sa kanya?

Alamin sa panayam niya sa episode ng Amazing Earth last September 22.