TV

Kilalanin ang youngest female twin skydivers in the Philippines | Ep. 83

By Maine Aquino

Nitong January 12, iba't ibang kuwento tungkol sa kalikasan at extreme sports ang ibinahagi ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth.

Isa sa kanyang ipinakilala sa programa ay ang kuwento ng youngest female twin skydivers ng bansa na sina Kikay at Kukay Cruz. Mas mapapabilib pa kayo sa kambal dahil bukod sa skydiving, may iba't iba pa silang extreme sports na ginagawa.


May kuwento rin si Dingdong tungkol sa eco-friendly Tulip Garden ng Basilan. Isa itong Instagram-worthy na lugar na binuo para makatulong sa kalikasan.

Isang Pinoy scientist naman ang nakaimbento ng bioplastic gamit ang mango peel at seaweed. Ito umano ay para makabawas sa ating problema sa plastic pollution.

Kilalanin din natin ang inimbentong planter jeepney na sinubukan mismo ni Miss Multinational 2017 na si Sophia Senoron.

Abangan ang iba pang Amazing Earth stories tuwing Linggo pagkatapos ng 24 Oras Weekend.