TV

Mga kuwento tungkol sa kalikasan, mapapanood sa 'Amazing Earth' | Teaser Ep. 84

By Maine Aquino

Ngayong January 19, samahan natin si Dingdong Dantes na maglakbay, mag-enjoy, at matuto sa Amazing Earth.

Sa episode ngayong Linggo, makakasama natin ang Ben&Ben at ang Ms. Eco Teen Philippines para sa isang makabuluhang kuwento tungkol sa kalikasan.

Matututunan na rin natin ang mga detalye tungkol sa online farmers, carnivore na halaman, at mga kuwento ng mga bida na mukhang kontrabida.

Abangan ang lahat ng ito sa Amazing Earth ngayong Linggo pagkatapos ng 24 Oras Weekend.