TV

'Amazing Earth' featuring 'Hidden India' mapapanood na ngayong March 1 | Teaser Ep. 90

By Maine Aquino

Ngayong March 1, may bagong ibabahagi si Dingdong Dantes sa Amazing Earth.

Sa darating na Linggo ay magsisimula na ang pagbabahagi ng Amazing Earth ng mga kuwento tungkol sa lugar kung saan nagtatagpo ang modernong buhay at ang hiwaga ng kalikasan.

Ang mga kuwentong tatalakayin simula ngayong unang araw ng March ay mula sa BBC documentary na Hidden India.

Sama na sa pagsisimula ng bagong series na ito sa Amazing Earth, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.